圖片來源:Shutterstock

[編按]本系列文章為第四屆移民工文學獎得獎作品,作者皆為在台灣工作的東南亞移工,包含泰國、菲律賓、印尼、越南等國家,以母語書寫、再翻譯為中文,並經作家、學者、社運工作者、文字工作者、影像工作者評選通過。這些作品中有的為真實經歷、有的為虛構文學,但都反映了東南亞移民工在台灣的真實情感與創作。

從我的祖先到我出生的年代,
貧窮的命運始終伴隨著我。
我應該且必須做什麼,才可以逃離住在這個成為可憐奴隸的骯髒沼澤區。
從你睜開眼睛的剎那,任誰不感嘆,唯有流言子彈才能吵醒這曙光。
到了傍晚,見到的是一具具屍體。
就算我想逃離這個地方,但我也不能,
因為在這裡沒有社會肯接納你。

到底何時可以結束我這絕望的心情?
何時可以感到知足?
我的土地就這樣輕而易舉地被沒收,
連我辛苦耕作的後院也被圍欄擋住而驅離。
我問自己,那些英雄為了人們的賦稅而抗爭,而我得到了什麼?
我只看到,高層政府官員的不法所得,
就像禿鷹貪圖錢財為樂。
我擔憂並煩惱家人以後的生活,
我微薄的收入,還要被他們搜刮收取。

因為有這些自私自利的人,導致了社會混亂,
菲律賓人自己互相鬥爭以謀私利。
社會的瘟疫,造成殺害自己的同胞和互相競爭。

誰才是真正的英雄?
所有士兵都謹遵政府交代的職責,
可憐的戰士只能在山上打獵,以爭取自己的權益。

你、我、我們,或是基督徒或是穆斯林,只有一個在我們生長土地上安逸和平的願望。
我們所能做的是大聲喊出我們窮人的呼聲,
不是等會兒、明天或後天,而是現在,就能聽到群眾的呼聲。

(作者為菲律賓籍移工)

     

作者自述:

我是Joseph Christian Aranas,來自菲律賓。我在台灣工作已有4年,是一家紡織廠的工人。之前在菲律賓,我做過很多種工作,像是去工地當我父親的幫手。早在讀小學時,我的父親就已開始訓練我怎麼跟別人一起工作。我連騎機車載送乘客(在菲律賓很常見,機車側邊放一個車廂用來載客並收費)都曾做過。我讀到高職畢業,在菲律賓待過很多家工廠,也曾在一個社區裡做水裝置管理員。因為在菲律賓生活很辛苦、薪水又少,我才決定來台灣打拚,希望脫離貧困,給我的家庭一個更好的生活,不管是暫時或長期。

我希望自己的作品可以公開發布,讓大家可以看到我的故事。因為這是事實,與菲律賓的社會有關。我想要呈現窮人的悲哀,財產隨意被搶走。我的書寫包含了他們很難獲得的正義,國民在自己的國家內只是奴隸,極無尊嚴的被霸佔土地、從自己的家中被趕走。我想讓大家知道,這些老鼠屎其實就是政府官員,還有一些商人在壓榨,讓貧窮的人更窮。我悲憐這些底層的人,即使違反政府的意願,也必須去追究,因為這是他們的責任。我感到心碎。窮人被獵殺,需要爭取他們的權利。

第一次參加這樣的比賽又能得獎,我非常喜悅。對我來說,我可以一點一點的表達自己內心的想法,傳達同胞受迫害的經歷。雖然沒得到首獎,但我得到的遠比這個更多。在提供給外籍人士的文學獎中獲獎,已經是一件很榮幸的事。

作品的內在有很深沉的故事。我想傳達同胞們的悲哀,在自己的國家被貧窮綁住。作為一個我心目中的菲律賓人,應該要具備互相合作的精神、懂得關心國家以及需要同情和幫助的同鄉,讓他們可以取回之前被剝奪的、真正的正義與民主。

這就是我的作品內涵。我的同鄉們,因為受迫害,因此貧苦、害怕、憎恨與心痛。

感謝上帝。

本文以雙語呈現,以下為原文:

Panaghoy Ng Maralita

Joseph Christian P. Aranas / Pilipino / dayuhang manggagawa

Mula sa aking ninuno hanggang sa aking pagsilang,

Ang kahirapan ito ba’y kadikit na sa aking buhay.

Anu ang dapat at nararapat gawin ng tulad kong maralitang alipin sa bayang lusak ng kahirapan.

Sinong hindi mananaghoy sa pagmulat ng iyong mga mata at pagsalubong ng bukang liwayway alingawngaw ng bala ang gigising sa tuwina.

Sa pagsapit ng dapit hapon mga katawang nakahandusay naman ang iyong makikita.

Gustohin ko mang umalis ngunit hindi ko magagawa.

Sapagkat kailan man wala ka nang babalikan ito’y kakamkamin ng Borgis ng lipunan.

*****

Kailan nga ba matatapos panaghoy sa aking kalooban.

Madarama ko pa kaya ang kapanatagan.

Kung ang sarili kong lupain ito’y kakamkamin ng ganun-ganun na lamang.

Sarili kong bakuran pilit babarakadahan,papalayasin sa lupang aking sakahan.

*****

Naitanung ko sa aking sarili anu bang kapakinabangan na ipinaglaban ng mga bayaning ng buwis ng buhay para sa bayan.

Kung ang makikita ko’t masisilayan ang kalayaan sa pangangamkam ng iilang matatas sa pamahalaan.

Mga buwitre sa kaban ng bayan walang ginawa kung hindi kalayawan.

Ako’y nahahabag at nababagabag paano na ang bukas para sa aking pamilya.

Kakarampot ko na ngang kita itoy aagawin pa nila.

*****

Kaya umuusbong ang kaguluhan dahil sa kanilang mga mapanglinlang.

Kapwa Pilipino naglalabanan makamtan lamang ang kasaganaan.

Kapwa Pilipino nagpapatayan at nag aagawan dahil sa mga salot sa lipunan.

*****

Sino nga ba ang tunay na bayaning maituturing,

Mga sundalo na sumusunod sa kanilang tungkulin dahil sa utos ng borgis sa pamahalaan, o

Mga maralitang mandirigma na tinutugis sa kabundukan para ipaglaban ang kanilang karapatan.

*****

Ikaw,ako,tayo mga Kristiano o Muslim iisa lang ang hangarin ang kapayapaan sa ating lupang Sinilangan.

Lahat tayo may magagawa isigaw natin ang panaghoy ng maralita,

Hindi mamaya,bukas o makalawa kung hindi ngayon na upag marinig ang boses ng masa.

*****

Ako si Joseph Christian Aranas,galing sa bansang Pilipinas at ako ay nag tatrabaho dito sa Taiwan may apat na taon na.Ang trabaho ko dito ay isang Factory Worker ng mga Tela, Sa Pilipinas maraming uri na ng trabaho ang aking napasukan tulad ng pagsama ko sa aking ama sa constraction site bilang helper nya,elementary pa lang hinasa na ako ng tatay ko sa pakikisama at sa trabaho maging tricycle driver naging trabaho ko, Nakatapos ako ng vocational course. Nagtrabaho din ako sa Pilipinas sa ibat ibang Factory, at naging coordinator din ako ng patubig ng mga subdivition sa Cavite.Sa hirap ng buhay at maliit na sahod sa Pilipinas kaya ako nakipagsapalaran dito sa Bansang Taiwan upang maisuporta at maiahon kahit panandalian o pang matagalan ang aking pamilya.

Gusto kong ilathala ang aking nagawa upang mabasa nino man ang aking storya, Dahil itoy may katutuhanan at sumasaklaw sa aming lipunan sa bansang Pilipinas. Gusto kong iparating ang mga panaghoy ng aming mga maralita ni kinakamkam ang kanilang ari-arian ng ganun ganun na lamang. Sa aking story isinasaklaw ko kung paano sila nahihirapan makamtam ang katarungan, bilang isang mamamayan na tila isang alipin sa sariling bayan, walang pakundangang angkinin ang kanilang mga lupain at palayasin sa sariling tahanan. Nais kong ipabatid at ipaintindi na ang salot sa aming lipunan ay ang mga matataas na katungkulan na ilan sa aming pamahalaan at mga negosyanteng nagpapahirap pa lalo sa aming mga mahihirap. At ako'y naaawa sa mga sundalong sumusunod sa kanilang tungkulin khit labag sa kanilang kalooban dahil sa utos ng burgis sa aming pamahalaan,lalot higit nadudurog ang puso ko sa mga maralitang tinutugis sa kabundukan upang makamtan lamang ang kanilang inagaw na mga karapatan.

Sa aking kalooban ngbubunyi ang kagalakan, dahil sa unang pagkakataon na nakilahok ako sa ganitong patimpalak ay nagwagi ako. Para sa akin ay unti-unti kong maaabot at maiiparating ang aking saloobin para sa mga kababayan kong dumaranas ng kaapihan. Hindi ko man nakuha ang unang gantimpala, itong aking natanggap ay daig ko pa ang nanalo ng higit pa dito dahil isang karangalan na maiituring ang makapasok sa patimpalak na inyong binuo para sa aming manggawa.

Isang malalim na kahuluganan para sa aking ang story na aking isinalaysay sa patimpalak na ito, upang maipabatid ko ang panaghoy ng mga kababayan kung maralitang inalipin sa bayang kanilang minahal at pagmamay ari.

Bilang isang Pilipino nabubuhay pa rin sa aking puso ang pakikipagbayanihan,at pusong Pinoy na may malasakit sa aking bayan at kapwa Pilipinong nangangailangan ng lubos na pang unawa at tulong para makamtan ang tunay na katarungan at dimokrasya na naiipagkait pa.

Kahulugan nito ng aking story ay kung paano din dumaranas ang aking mga kababayang maralita ng takot, puot, at sakit ng kalooban dahil sa kaapihan.

Maraming salamat po Pagpalain tayong lahat ng ating Dios na lumikha.

瀏覽次數:99+

延伸閱讀

「獨立評論@天下」提醒您:
1.本欄位提供網路意見交流平台,專欄反映作者意見,不代表本社立場
2.發言時彼此尊重,若涉及個人隱私、人身攻擊、族群歧視等狀況,本站將移除留言。
3.轉載文圖請註明出處;一文多貼將隱藏資訊;廣告垃圾留言一律移除。
4.本留言板所有言論不代表天下雜誌立場。